![]() |
Likas sa atin ang kasarinlan at katalinuhan, freedom and intellect. Ano ba ang pagkakaiba ng dalawa, hindi ko masyadong lalaliman ang paksang ito, nais ko lang maintindihan ito ng madla sa pamamagitan ng ehemplo, ako bilang tao at mamamayan ng bansang ito ay karapatan ko na magpahayag ng ano mang gusto ko, ngunit pag ginagamit ko na ang pahinang ito para ipalimbag ang aking nasa isip ito ay magiging pribilehiyo na lamang na kontrolado ng ibang elemento at mga tao.
Para sa akin, ang relihiyon maski ano man yan ay dapat itaguyod ang likas sa ating mga tao, ang kalayaan at dunong . Kaya , ngayong eleksyon hindi ko lubos maisip bakit may relihiyon na nagdidikta sa kanilang mga parokyano o mga sinasakupan kung sino ang dapat iboto sa eleksyon.